Nagsagawa ng symposium sa bullying, cyberbullying, at responsible social media use ang Baybayog National High School, January 28.
Ayon sa pahayagan ng paaralan na The Messenger, pinangunahan nina School Principal Abelardo Verzon Jr., Head Teacher Pepito C. Pascua, at Master Teacher Lorna D. Darilag ang programa.

“The symposium emphasized the importance of maintaining respect, responsibility and safety both inside the school and in online spaces,” saad sa post ng paaralan.
Kabilang sa mga tinalakay sa paaralan ang mga iba’t-ibang uri ng bullying, masamang epekto ng cyberbullying, at ang kahihinatnan ng iresponsableng paggamit ng social media.
Idiniin ng mga ispiker sa palatuntunan ang papel ng mga mag-aaral sa pagkakaroon ng positibo at may pagkalingang school environment.
Dagdag dito, sinabi ng paaralan na ang mga actibidad ay tumutulong sa layunin ng paaralang maturuan sila sa proper online behavior at awareness on digital citizenship.
