Bumisita sa Lallayug Elementary School si Education Program Supervisor in charge of Mathematics Ma’am Jesselyn De Leon, ngayong araw, February 5.
Partikular na tinutukan ni De Leon ang gabay at suporta sa mga guro at school head ng paaralan. Kabilang na ang pagpapalakas sa implementasyon ng School Programs, Projects and Activities.
Naging makabuluhan ang isinagawang pagbisita at hinikayat pa ng EPS ang mga nasa paaralan na pag-igihin pa ang pagtuturo sa mga bata para makapagbasa para mapahusay ang learning outcomes.

“Lallayug Elementary School sincerely thanks Ma’am Jesselyn De Leon for her time, expertise, and continued dedication to quality education and learner development,” saad sa post.
Nabanggit din sa pagbisita ang mga programa para masigurong epektibo ang mga gagamiting istratehiya para sa learner’s reading development.