Isinusulong ngayon ng Tuao Vocational and Technical School (TVTS) Malummin Annex ang pagpapalakas sa teachers’ professional competence at i-ayos ang kanilang career developments ayon sa mga polisiyang ipinapatupad ngayon ng Department Education (DepEd).
Bunsod nito, inilunsad nila ngayong araw ang Project RECHARGE na nangangahulugang Revitalizing Educators’ Competence through Holistic Advancement and Relearning for Growth and Excellence.
Tampok dito ang isinagawang School-Based Learning Action Cell (SLAC), January 30.
Dito, tinalakay ni Officer-in-Charge George C. Cauilan ang mga guidelines sa expanded career progression for teachers and schooo heads. Nabanggit niya rito ang mga patuntunan sa career stages, qualification standards, at professional growth opportunities sa teaching profession.

Makabuluhan ito sa mga sumali sa SLAC dahil nalaman nila ng mas malinaw ang kanilang pathways for promotion and professional advancement.
Samantala, tinalakay naman ni Sheryl M. Malupeng ang PMES Tool for Beginning Towards Proficient Teacher.
Dahil dito ay mas lalong naunawaan ng mga guro ang kanilang pag-unawa sa performance standards at evaluation indicators.
Ang Expanded Career Progression (EXP) system ay polisiya ng DepEd na nagbibigay ng mas maayos na istruktura sa promosyon ng mga guro sang-ayon sa kanilang merito.
