“Piliin ang karapat-dapat” – School Head Avon Bolanda sa miting de avance ng SELG Tucalana

Mahalaga para kay school head Brenda Avon F. Bolando ng Tucalana Elementary School ang matalino at responsableng pagpili ng mga ihahalal na pupil leaders ng paaralan.

Inihayag ito ni Bolando sa naganap na miting de avance ng Supreme Elementary Learner Government (SELG) bilang paghahanda sa nalalapit na school based elections.

Sa kanyang mensahe, sinabi niyang kailangang tingnan ang pag-uugali, kapabilidad, at commitment ng mga aspiring leaders. Binigyang diin niya na ang school leadership ay isang paraan ng serbisyo na direktang makakaapekto sa ikabubuti ng mga mag-aaral at ng buong paaralan.

Ayon pa kay Bolando, ang epektibong pamumuno ay nagsisimula sa unity at shared responsibility sa pagbubuo ng safe, orderly at learner-centered school community.

“Piliin natin ang karapat-dapat na manguna sa ating paaralan—mga lider na inuuna ang kapakanan ng mga bata at ang kaayusan ng ating komunidad.”

Ang SELG ay isang student organization sa mga paaralang elementarya sa bansa. Nagsisilbi itong platform para maipakita at ma-develop ang leadership, teamwork at social skills sa mga mag-aaral.

Matapos ang mensahe ng punongguro ay kanya-kanya nang pakilala ng kani-kanilang mga plano, layunin at kahandaan sa pamumuno ang mga mag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *