Pinangunahan ng punongguro ng Catayuan Elementary School ang panunumpa ng mga bagong halal na pupil officers ng paaralan sa katatapos lamang na Oath Taking Ceremony, hapon ng February 10 sa school gymnasium.
Nagsilbing Oath Administrator si Ginoong Romel N. Alipio kung saan hinikayat niya ang mga bagong lider na laging isa-alang-alang ang disiplina at malasakit.
Aniya, “ang tunay na lider ay may disiplina, may malasakit, at laging inuuna ang kapakanan ng nakararami.”

Nabanggit din ni G. Alipio na nawa’y ang mga bagong opisyal ay maging huwaran ng katapatan, paggalang, at responsableng pamumuno upang higit na mapaunlad ang mga programa ng paaralan.
Kasama sa mga nanumpa ang mga opisyal ng Supreme Elementary Learner Government (SELG), YES-O, WATCH, NGP, at DRRM.
“Mabuhay ang mga batang lider! Mabuhay ang Catayuan ES!” ayon sa post ng paaralan.