Naghahanda na ang pamunuan ng Pata Elementary School 102968, Tuao East, Cagayan para sa isasagawang Search for the Most Functional SPTA evaluation, ito ay inanunsyo ng paaralan sa kanilang FB page.
“Buong pasasalamat po sating masisipag at maaasahang SPTA officers na nagsumikap sa paghahanda, pagpo-photocopy, pagsasaayos at pagbabind ng lahat ng dokumento.”

Sinabi rin na ang dedikasyon ng kanilang SPTA at teamwork ay nagpapakita na nakahanda sila sa nasabing evaluation.
Maliban dito ay tuloy-tuloy rin ang mga isinasagawang pagpapaganda sa paaralan. Sa katunayan, kahapon, March 4, ay nagsagawa ng grasscutting ang mga tanod ng kanilang barangay sa pamumuno ni Brgy. Captain Jolimar Cabasag.
Ang mga magulang ay patuloy na naglalaan ng oras, sipag at malasakit upang mapanatiling malinis at maayos ang paaralan.

Nabanggit din na kasalukuyan ang improvement ng kanilang school gymnasium katuwang ang mga magulang.
Maging ang 4Ps beneficiaries katuwang ang iba pang parents ay tumutulong din sa pagbabackfill ng bleachers.

“Ang inyong bayanihan at suporta ay malaking tulong sa ating paaralan,” sabi sa FB ng paaralan.
Ang Pata ES ay nasa pangangalaga ni Principal Sherley Castino Eustaquio.
