Ipinagbabawal ng pamunuan ng University of Perpetual Help System DALTA sa Las Pinas ang pagdadala ng kotse sa mga pasilidad ng paaralan bunga ng kanilang ipinapatupad na carless policy.
Kaugnay nito, pinayuhan ng paaralan ang kanilang mga opisyal, staff, faculty at iba pang empleyado na magparada na muna sa SM Center o sa Perpetual Help Medical Center.
Ang mga mag-aaral ng elementarya naman ay pinapayagan para lamang sa pickup at drop-off. Ang entrance na nasa University Lane ang magsisilbing pickup at drop-off ng mga estudyante para sa Junior High School hanggang college.

“Carless days will include all parking areas, including spots allocated for VIPs and Mancom officers, except the ambulance bay,” pahayag ng paaralan batay sa post ng The Perpetualite.
Ang pagpapatupad ng carless policy ay bahagi ng selebrasyon para sa 50th Founding University Week na magaganap sa February 9, at February 16-20, 2026.