Pinarangalan ang Solana Fresh Water Fishery School o SFWFS sa pagkakaroon nito ng Most Functional SPTA sa buong Solana North District. Dahil dito, kwalipikado ang paaralan sa nalalapit na Congressional District III competition sa March 3.
Nag-bloom ang paaralan dahil sa napakaraming accomplishments ng paaralan kasama ang SPTA. Kabilang na rito ang isinagawang proyekto sa Grade 8 Bloomington at Grade 7 Amethyst na 100% completion of the concrete partition replacement. Ang proyektong ito ay nasailalim ng Project TALETAY.
Kasama pang accomplishment ng TALETAY ang planong pagpapa-tiles sa Grade 7 Celestine, Grade 8 Cambridge, at Grade 9 Demeter classrooms. Nakahanda na raw ang kakailanganing tiles at labor cost para sa huling dalawang nabanggit.
Ang TALETAY ay nangangahulugang Tangible child-friendly Learning Environment Towards Abundant future for the Youth.

Maliban sa impraestruktura ay mayroon ding mga proyekto para sa needs at comfort ng mga mag-aaral kagaya ng installation of two ceiling fans, water dispenser, at solar power supply para sa water system – 100% accomplished lahat yan.
Mayroon pa silang Project PARES (Partnership with Stakeholders) kung saan ay mayroong hydroponics project. Ongoing ang renovation at improvement dito dahil sa nagkaroon ng aberya sa naunang installation – patunay sa long-term commitment ng PTA.
Mayroon pang natanggap ang paaralan na speaker at microphone para sa Grade 9 Bia, smart TV sa Grade 9 Euphrosyne, 43-inch smart TV para sa Grade 8 Edinburg at Grade 11 Debussy. Dahil dito, mas maganda na ang ICT integration sa school.

Sa ngayon ay naghahanda na ang paaralan sa pamumuno ni Principal IV Rose M. Macapulay sa congressional evaluation.
Nagpapasalamat ang buong paaralan sa suporta ng SPTA.