Nag-uwi ng karangalan ang Grade 3 pupil ng Allacapan Central Elementary School (ACES) na si Zach Ariston E. Collado sa katatapos lamang na 2026 Thailand International Math Olympiad.
Nakamit ni Zach ang Silver Medal (Primary 3) sa internation competition na naganap noong Pebrero 6-10, 2026.
Kabilang si Zach sa 290 onsite delegates ng Team Philippines na matagumpay na nakipagtagisan ng talino sa mga kalahok mula sa mahigit 28 bansa sa buong mundo.
Naging tagapagsanay ng math genius si Sir Michael John B. Baragarino na siyang Master Teacher II ng ACES. Samantala, ang kanilang school head ay si Dr. Jemilyn A. Tunac.

Ang tagumpay ni Zach ay nagpapatunay na may pambihirang husay at dedikasyon sa larangan ng matematika ang mga Pinoy.
Naghayag naman ng pagbati ang Municipal Government of Allacapan sa tagumpay ng bata.
Nauna rito ay nanalo si Zach ng Gold Medal sa Thailand International Math Olympiad (TIMO) sa Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area Mathematical Olympiad (Big Bay Bei).