Naghahanda na para sa nalalapit na school graduation ang Illuru National High School, Rizal, Cagayan.
Pokus ng kanilang produktibong talakayan kahapon, February 4, ang pagbibigay ng malinaw na direksyon, school graduation, at ang kanilang susunod na hakbang matapos ang senior high school.
Pinangunahan ni Punongguro Gregorie R. Pascua ang pagpupulong na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagtutulungan upang matiyak ang tagumpay ng bawat Grade 12 learner.
Ayon sa kanya, ang patuloy na komunikasyon na komunikasyon at suporta ng mga magulang ay may malaking papel sa paghubog ng disiplina, responsibilidad, at akademikong kahusayan ng mga mag-aaral.

Tinalakay ng mga tagapayo ng Grade 12 ang academic performance ng mga mag-aaral, mga kinakailangang proyekto, research outputs, at iba pang performance tasks na kailangang matapos bago ang pagtatapos.
Binigyang linaw din ang mga graduation requirements, pati na ang attendance, good moral standing, pagsunod na patakaran ng mga paaralan at mga nalalapit na school activities.
Nagkaroon ng bukas na forum kung saan naipahayag ng mga magulang ang kanilang mga katanungan at suhestiyon. Naging daan ito upang mas mapalakas ang ugnayan ng mga guro at magulang sa layuning masuportahan ang mga mag-aaral sa kanilang huling taon sa Senior High School.
Ang pagpupulong ng mga magulang ay dinaluhan ng mga magulang, guardians, guro at mga tagapayo ng Grade 12 sa Senior High School.