Pag-inom ng tubig sa mga itinakdang oras, bagong ordinansa sa MES

Sa layuning maging hydrated at mas masigla ang mga mag-aaral, ipatutupad ng Magapit Elementary School (MES) ang tinatawag na Water Break Ordinance bilang bahagi ng daily school routine ng mga estudyante.

Nakaangkla ang panuntunan sa polisiya ng DepEd sa panghihikayat sa mga mag-aaral na maging malusog at bawasan ang mga matatamis na inumin.

Sinabi ni Vice Mayor Maria Olivia B. Pascual na patutunugin nila ang kampana o bell sa mga paaralan at sangay ng gobyerno sa bayan para sa tinatawag na water break. Si VM Pascual ang may-akda ng nasabing ordinansa.

Tugon niya rin ito sa heat index o mataas na temperatura.

Hinikayat din ni VM Pascual ang mga magulang na maghanda ng refillable tumbler para dalhin ng mga mag-aaral sa paaralan dahil malaki ang tulong nito sa kanilang physical at mental well-being.

“Kapag uminom ng tubig ang mga bata nang regular, mas nagiging alerto sila at mas nakakatuon sa aralin. Simple pero malaking tulong sa kalusugan,” sabi pa ng bise alkalde.

Masaya naman umano ang mga mag-aaral sa ipinapatupad na water break dahil nakakatulong ito upang marefresh sila at mapanumbalik ang enerhiya bago ipagpatuloy ang klase.

“Learners expressed delight about the health break, saying the short pause gives them time to refresh and regain energy before continuing their lessons,” sabi sa post ng paaralan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *