Principal ng Oro National High School, may pa-State of the School Address

DAPITAN CITY – Buong pusong na inilahad ng punongguro ng Oro National High School ang mga proyekto at tagumpay ng paaralan sa kanyang State of the School Address o SOSA.

Ayon sa post ng paaaralan, ipinakita rito ni Ma’am Marilou Monding ang kanyang strong leadership, guidance at full support para sa ikabubuti ng mga mag-aaral at komunidad nito.

Pinuri rin si Head Teacher Arsenia Alingal sa kanyang dedikasyon sa pagpaplano at mahusay na pag-organisa sa school event. Maging si Sir Franklin Claros sa kanyang creativity at wonderful touch na lalong nagpaningning sa entablado.

Maliban sa entablado, nagsagawa rin sila ng cum awarding of learners and stakeholders, Zumba Dance Competition, Potluck Table Setting Contest, Raffle Draw, Parlor Games, Quarterly Meeting.

Tinawag nila ang programa na Family Day bunga ng kinikilala nila ang bawat isa – mag-aaral, magulang, guro, stakeholders – bilang pamilya, partner at kaisa sa mga gawain.

Nagtapos ang palatuntunan sa Awarding of Winners.

Nasa programa rin si Brgy. Captain Grace Tagapan at ang buong barangay council.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *